Hi. Kamusta mga repapips? Ako nga pala si Tito Caloy. Sa mga hindi nakakakilala sa akin, ako ang binansagang "internet legend" ng pamangking kong si Mike. Tawag niyo sa kanya Luis, o kaya naman Gingerbread, o kaya GBM. Minsan JBM. Ewan. San ba pinagkukuha yang mga pangalan na yan. Balita ko kung ano ano ang pinagsususulat ng bata na yan tungkol sa akin. Kung may naisulat man ho yan, malamang totoo yun hehe!
Ako'y nadawit sa pagtakbo nung sinama ako doon sa Botak na pagkainit init. Naalala ko un, hinimatay ung isang tropa dun eh, ung doktor ba un. 5k ang tinakbo ko nun. Aba'y di man lang ako pinagpawisan. No tsallenge men! Kaya noong nagkaroon ang mga tropa ni Mike ng takbuhan sa Tagaytay, tignan mo nga naman naka 27k agad ako! Elibs ka ba? Sumunod na takbo ko sa Globe, ung dumaan ng Ayala at kung san napilay si Mike, banat kasi ng banat tigas ng ulo. 21k nakang naka eh! Ang ganda ng pacing ni Coach, di man lang ako napagod! Parang wala lang!
Nageenjoy talaga kong kasama etong mga tropang taga Takbo.ph. Kaya nung sinabi saking na pupunta daw ng Subic para tumakbo, aba nilabas ko ung mga panalo ko sa tongits at nagpalista na ako sa 21k. Okey na yan! Baka mabatak kung 42 tayo agad. Kaya eto, kwento ko sa inyo ano nangyari.
Sa Unang Pagkikita
Nagkita kami dun sa Jollibee sa may Shaw mga bandang ala sais. May amats pako, tumira tayo ng pampagana nung kinagabihan. Nauna ako kaya't wala akong nakilala. Aba, ako'y nagulat at kilala pala ako ng mga tropa. Tito Caloy! Okey sa olrayt to ah!
Lakad Na!
Dun kami sa oto ni Eo. Disenteng disente. Pero may tinatagong kamandag din pala! Pati si pareng Bong andun din, ung instik na gwapings. Ang dami palang babae nun pasimple lang! Alangyang mga kaibigan ni Mike mga loko din! Di tayo makasabay, clean living tayo eh. Pero kung sakaling mapalaban, makakatikim yang mga yan ng taktak maragondon, halukay ube ni Tito Caloy!!!
(Editor's Note : Kindly forgive my uncle, in his inebriated state I guess you will have to make do with this cacophony of unabashed ramblings dashed with a sprinkling of shameless innuendo - GBM)
Kainan Muna
Tigil muna kami doon sa may Kenny sa highway. Ayos libre nanaman ako!Hihihi. May mga GC kasi si Mike, may syota ata tong taga Kenny dati kaya meron. May nasagap pa kaming mga chix, sarap talagang tumakbo ganda ng sights.
Tambay Taym
Ang ganda ng tirahan namin, Forest View ba yun. Siyam na kalalakihan. Sarap ng buhay. May oto, may puesto, mahangin ....sarap manginom dito. Ay di pala pwede, sasalang na tong mga to! Halos lahat babanat ng 42k. Si Mike iba sasalihan, 10k lang ata. Excited na ko! Excited nako na masolo tong lugar namin wahehehe.
Simula ng Kalbaryo
Onting tsibog , onting dasal, at hinatid na namin ang mga tropa kung saan sila susunduin ng bus. Aba ordinary ang bus na susundo sa kanila papuntang Floridablanca! World-class nga! Daming mga mag 42k, ung isang nakita ko parang namumutla, kabado siguro. Kulang sa balut. Nakasakay na ang mga tropa, sana okey kalabasan. Si Mike muntik pang makasama sa bus kodakan blues pa kasi. Natawa tuloy ung isang Egoy. Sana okey naman sila, mukhang malalakas naman ang mga pwersa nila eh.
Teka, na nosebleed nako sa pagsulat ko dito, di naman bayad to! Makaisang round muna kami ni pareng Vino Kulafu. Abangan niyo na lang ang susunod na kabanata! Out na muna ako! GTG Pips!














Tito Caloy! We miss you na! hahahaha!
Ang galing. Naunahan mo pa ako mag blog. Naku malulupit talaga mga kasama mo. Puro may tinatago na chikas. Malamang marami ka ri n nyan.
Ipagpatuloy ang susunod na kabanata!
Pareng Neil, kamusta ang magasawa? Kelan tayo tatakbo? Wag mo na akong iligaw uli ha? Ikaw na lang ililigaw ko, ay teka andiyan ba si esmi? Nakow.
huwaw, blogger na si tito caloy!
eo
nice tito caloy. . . sana maambunan kami ni Mike ng mga chicks nya. . . TAGAY NA!!!!
docT
Welcome to the blog world, Tito Caloy.
Sa totoo lang dumudugo ilong ko sa Ingles ng pamangkin ninyong si Luis (si Mike pala). Nung una di ko matanto kung sinong Mike yung bibanggit ninyo. Luis Miguel pala haha. Konyong-konyo ang dating. Para ring karakter sa Mexiconovela.
Oo nga ho pala. Bukas na ang rehistro para sa Bataan Death March Ultramarathon. Baka gusto ninyo hong sumama :-)
Naku Tito Caloy sa BNO (Boys Night Out)na tayo tutuloy nyan. Les go!
wahaha! galing ni tito caloy! bring him to the ext liempo run GBM!
Eo, masarap din pala tong mag blag blag. Kelan tayo iinom? Salamat sa Halo Halo sa Subic, nakatulong ng madami.
Doc T, machong macho ka talaga, dapat ikaw ang magpaambon. Si Mike, wala yan puro porma lang yan. Natuto talaga yan sa erpats niya. At sino nagturo sa erpats niya? Malamang ako! Mala Hadji dating natin noong araw!
Kumpareng Rico, salamat sa lahat ng pag alalay sa buong tropa. Napakabait mong tao. Kaya nung nalaman ko na type mo ung nasa head office na chix doon sa hotel, lumayo na ako at pinaubaya ko na sa iyo. Ayos ba?
Si Mike? Nag ng kawago wag kayong papadala diyan sa pa Ingles ingles ng conyong hilaw na yan, batang Hulo talaga yan! Sumasabit sa dyip yan noong araw at mahilig sa qwekqwek at adidas bwahaha.
PAreng Neil, kelang ba yang BNO na yan? Isama natin ung maliit, ung mabilis , ah si Wilnar? Nako napakainit ng bata na yun!
Hi Gail! Tito Caloy is da name and love is may game! Napakadanda naman ng pangalan mo, malamang mas maganda ka sa personal. Liempo? Anong liempo? Kung mabitin tayo sa liempo.... Bawi na lang tayo sa dessert. Ayos!
wahahaha! tito caloy you crack me up! ;-) aba syempre mas maganda sa personal. hahaha! basahin nyo po kasi yung mga kwento ng pamangkin niyo na si "Mike". meron syang tinatawag na liempo run. sya na lang po ang tanungin nyo ;-) ayos!
sa blog awards, hindi ko alam kung san ko inunominate ang blog mo kung sakali, sa sports ba o humor. keep on writing, mhan!
Naks Mam Gail, sana'y magkita tayo isang beses at masilayan ko ang iyong pagkagandang mukha. Kahit hindi na tayo tumakbo, okey lang! Kain na lang tayo ng Liempo at kahit gin bilog na lang pangtulak natin!
Wilson, ika'y isang batikan na manununulat at karerista, kaganda ng headband mo pag natakbo, cool ka men cool! Hindi ko nga malaman dito sa pamangkin ko kung susulat ba ng tungkol sa isports, o magpapatawa na lang!Takbo tayo minsan, pustahan, malamang talo ako sa iyo pero bawi na lang ako sa toma!
kailangan na atang gawan ng sariling blog itong si THE tito caloy! mas matinik pa sa mga chikas kaysa kay LUIS! baka naman hindi talaga si luis ang nag susulat dito? pen name lang ni tito caloy si luis?
hmm....
dati quote of the day lang, ngayon blog part 1 na ang nailalathala nya! wenner!
Timmy, ikaw ang malakas sa tsiks! Noong natakbo tayo ng 21k, ayos yang kasama mo ah! Pwedeng pwede! Pero masyadong bata para atin yan, silya elektrika ang aabutin ko! Masaya din pala tong blag blag na to, nakakatamad lang kelangan may inspirasyon. Sasama ka ba sa sinasabing BNO nitong si kumpareng Neil? Wag na nating isama si Mike, para tayo lang ang gwapings doon. Bawal din ang mga Esmi, comprende parekoy?
nice nice luis... di mo na kailangan ng plagging... haha! Tito Caloy! magbalik loob ka na muli sa takbo...
salamat sa supporta!
salamat tito caloy at pinaunlakan mo ang hiling ko makasama ka sa piktyur! nawala yung asar ko ng makita kita kasama ng tropa. akala ko serbesa na ang iaabot mo sa akin, saging pala hahaha
sosyal ka na ha. pa blag blag na lang. mas sikat ka pa kaya kaysa kay mike luis (di ba singer noong araw yun?) hehehe
Ayos ka kupadreng Argo. Mula noong huli nating pagkikita, ang laki na ng pinayat mo! Nagpapabatak ka ba? O katawang pang romansa lang? Ayos yan pogi!
Hay salamat at maayos ka Jet. Tuwang tuwa kaming makita ka doon sa liblib na lugar na yun na malakas at nakangiti pa. Dahil kung sa akin ginawa yun, tiyak !@#$%^ ang aabutin ng mga tinokwa na un. Magpahinga't ka ng makasama ka sa BNO na pinaplano nitong mga pogi boys.
bulaKenyan?!?! Wahahaha!
Haha eh sabi nila pinoy daw at Kenyan ung nagbabakbakan. Dalawang egoy pala. Wala namang palang pinoy. Ika ko, baka Bulakenyan ang ibig nilang sabihin kapatid.
hahaha.... natawa naman ako dun sa bulaKenyan :D
Kapatid, bulakenyan ka din? Wahehehee.
Tito Caloy! Kahit di pa kita nakikilala sikat na ang pangalan mo :) BulaKenyan talaga ang tawag mo sa kanila :) Haha! Sana mag krus ang ating landas sa mga darating na takbo :D
-tin
Ako, isa akong Bulakenya, ahihihih :P
Pero hindi ko kilala 'yung BulaKenyan na tinutukoy mo, baka malayo sa barrio namin :P
Tin.... di pa kita nasisilayan ay matunog na matunog ang iyong pangalan, lalo na sa mga bagets. Ganoon ba kalakas ang kamandag mo?
Madz, nako, mapungay daw ang mata ng mga Bulakenya. Haha. Malabo! Baka nga nasa liblib na barrio yan.
haha galing naman! nag-enjoy ako magbasa ng blag nyo.
...halukay ube...panalo...hehehe! :)
Salamat Mariel, gagawa na ako ng sarili ko, "Da Tito Caloy Chronicles". Teka, ano ibig sabihin ng chronicle uli?
Pare, ang pawgee mo! Gusto mo ba akong samahan at mangalukay ng ube?
HAHHAHA.... i havent met your tito but this post is super amusing. ahahaha... pampatanggal stress!!
Salamat Marianne! MAgkita tayo para mas lalong matanggal stress mo!
hahaha... ngayon ko lang nabasa ulit ito. the "stress" i meant in this comment is incomparable to the "stress" i have now. yeah, we should. gawin kitang soundingboard.